Mga Laro sa Lunes

(Philsports Arena)

10 n.u. -- La Salle vs UST (Turf)

12 n.t. -- Ateneo vs NU (Turf)

4 n.h. -- UP vs FEU

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

(best-of-3 for 3rd)

6 n.g. -- Ateneo vs NU

(best-of-3 for title)

Bumalikwas ang Ateneo mula sa paghahabol sa Far Eastern University upang maitarak ang 25-23, 24-26, 25-19, 25-23 panalo nitong Miyerkules at tuluyang mawalis ang kanilang best- of-three semifinal series sa Shakey’s V-league Collegiate conference sa Philsports Arena sa pasig City.

Makakaharap ng Lady Eagles ang National University Lady Bulldogs sa championship match simula sa Lunes.

Winalis din ng Lady Bulldogs, sa pangunguna ni Jaja Santiago, ang karibal na University of the Philippines Lady Maroons, 21-25, 25-10, 27-25, 25-21, sa hiwalay na best-of-three semis duel.

Kumana ng pinagsamang 26 puntos sina Bea de Leon at Kim Gequillana, habang nagpakita ng all around game sina skipper Michelle Morente, Ana Gopico, Julia Morado, Julianne Samonte at Pauline Gaston para sa Lady Eagles.

Tinapatan ng Ateneo ang matikas na laro sa Game 1, 25-14, 28-26, 25-22.

Nagtapos si de Leon na may 20 hit, habang nagdagdag sina Morente at Gequillana ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“Yung tiyaga at sacrifice ng mga bata sa practice nag-payoff ngayon,” pahayag ni NU assistant coach Sherwin Meneses.

Nanguina sa FEU si Toni Rose Basas sa naiskor na 17 puntos.