WASHINGTON (AFP) – Ilulunsad ng US space agency na NASA sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas) ang unang misyon sa isang asteroid na malapit sa Earth para mangolekta ng mga sample na maaaring magbigay-linaw sa simula ng solar system.

Ang pitong taong misyon sa Bennu asteroid ay pinondohan ng $800 million.

Nakatkadang pumaimbulog ang OSIRIS-REx spacecraft sa Huwebes dakong 7:05 pm (2305 GMT) mula sa Cape Canaveral Air Force Station, malapit sa Kennedy Space Center sa Florida.

“We expect these samples will contain organic molecules from the early solar system that may give us information and clues to the origin of life,” sabi ni Dante Lauretta, principal investigator ng mission at professor ng planetary science sa University of Arizona.
Internasyonal

Lalaki, gumaling sa HIV sa tulong ng kapatid?