Handa si Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa na pangalanan ang mga pulis na kabilang sa payola ng umano’y pangunahing drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Ito ang kinumpirma ni Chief Insp. Jovie Espinido, na siyang nagbigay ng listahan ng payola ni Espinosa, na kinabibilangan ng matataas na opisyal ng Police Regional Office (PRO)-8.
Nasa floating status ngayon ang 34 na pulis habang iniimbestigahan sa umano’y pagkakaugnay sa droga. (Fer Taboy)