CABANATUAN CITY - Halos magdilim ang ilang bahagi ng Daang Maharlika sa mga barangay ng Sumacab Este at Mayapyap Sur matapos matuklasan ng Provincial General Service Office (PGSO) sa routine inspection na kinulimbat ng mga hindi nakikilalang kawatan ang 15 solar street lights sa lugar.
Sa reklamo sa pulisya ni Engr. Crispin Juan y Garcia, 57, empleyado ng PGSO, sinabi niyang nangawala ang 15 solar street lights, kasama ang mga baterya at controllers nito na nakakabit sa mga posteng bakal sa lugar.
(Light A. Nolasco)