PINAWI ng isang eksperto ang pangamba ng mamamayan kaugnay sa Setyembre 17 penumbral lunar eclipse, sinabing ito ay isang normal na celestial event, iniulat ng Philippines News Agency (PNA).

“It’s not something to be feared,” pahayag ni Dario dela Cruz, astronomy chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Dela Cruz, nangyayari ang penumbral eclipses kapag dumaan ang buwan sa ‘penumbra’ na siyang lighter part ng anino ng Earth.

“Such and other eclipses are natural celestial occurrences,” aniya.

Masisilayan ang penumbral eclipse sa susunod na linggo mula 12:52 ng umaga hanggang 4:56 ng umaga (Philippine Standard Time), ayon kay Dela Cruz.

“It’ll be 2016’s third penumbral eclipse,” sambit niya.

Una nang nasilayan ang penumbral eclipse noong Agosto 18 at Marso 23 para sa kasalukuyang taon.

“The eclipse next week will be the last of its kind for 2016,” ayon kay Dela Cruz.

Ayon sa PAGASA, ang penumbral eclipse ngayong buwan ay masisilayan sa Australasia, Africa, Europe, South America’s eastern part at Asia, kabilang ang Pilipinas.

“During such eclipse, the entire moon will take on a yellowish color before becoming whitish again,” ani Dela Cruz.

Sinabi rin niya na ang kulay ng buwan ay nagbago mula sa puti ay naging manilaw-nilaw at muling magbabalik sa puti.

“Change in the moon’s color during penumbral eclipses are hardly noticeable to the untrained eye, however,” paliwanag ni Dela Cruz.

Ayon kay Dela Cruz, masisilayan sa susunod na linggo ang eclipse kapag naging maganda ang panahon sa bansa.

Ang makulimlim na kalangitan at pag-ulan ay makaaapekto sa celestial show, dagdag ni Dela Cruz.