Ipinanunukala ng isang mambabatas sa Mindanao na itaas ang minimum monthly base pay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) mula sa kasalukuyang P14,834 at gawing P50,000 para sa ranggo ng Police Officer 1 (PO1).

Sinabi ni Rep. Johnny Pimentel (2nd District, Surigao del Sur) na ang kanyang panukalang base pay schedule upgrade ay hiwalay o magkakaiba alinsunod sa ranggo, kuwalipikasyon at haba ng serbisyo ng pulis.

“The men and women in the uniformed service risk their lives in upholding the rule of law, many times, in a daily basis. It is but only tragic that their compensation is neglected,” diin ni Pimentel. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'