JAKARTA (Reuters) – Na-inspire sa “war on drugs” ng Pilipinas, binabalak ng anti-narcotics chief ng Indonesia na magpatupad ng mas agresibong paglaban sa droga sa bansa.

Kapwa nagdeklara ng “war on drugs” ang magkatabing bansa sa Southeast Asia.

Ngayong linggo ay magpupulong sa Jakarta ang mga lider ng dalawang bansa at isa sa mga pangunahing paksa ay ang pagbura sa drug trade sa rehiyon.

Sinabi ni Budi Waseso, hepe ng national anti-narcotics agency (BNN) ng Indonesia noong Martes ng gabi na nasa proseso ang ahensya ng pagdagdag ng mga armas, imbestigador, teknolohiya, at sniffer dogs upang palakasin ang pagsisikap na maipatupad ang batas sa isa sa pinakamalaking merkado ng droga sa rehiyon.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nang tanungin kung ang Indonesia ay magiging kasing agresibo ng Pilipinas sa paglaban sa droga, sinabi ni Waseso na:

“Yes I believe so. It can happen because (the drugs problem) in Indonesia is as bad as in the Philippines”.

“The life of a dealer is meaningless because (he) carries out mass murder. How can we respect that?,” aniya.