TAYSAN, Batangas - Dead on arrival sa St. Patrick Hospital sa Batangas City ang isang safety officer habang nasugatan naman ang isang construction worker matapos silang mabagsakan ng gutter at mga namuong alikabok sa isang pagawaan ng semento sa Taysan, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Ramil Cueto, 43, habang nilalapatan pa ng lunas sa nabanggit na ospital si Renato An, 52, kapwa taga-Taysan.

Ayon sa report ni PO2 Frederrick Caraan, dakong 1:50 ng hapon nitong Martes, gumagawa ng piping para sa cooling system ang mga biktima nang biglang bumuhos ang ulan sa compound ng Republic Cement, Inc. sa Barangay Mapulo.

Sumilong umano ang mga biktima sa sa isang gusali hanggang bumagsak sa kanila ang center gutter at mga namuong alikabok.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa ulo umano tinamaan si Cueto, na agad nitong ikinamatay. (Lyka Manalo)