Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa pang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Surigao del Sur.

Sa report ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 355 kilometro sa Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Kapag naging ganap na bagyo ay tatawagin itong “Ferdie.”

Maaapektuhan ng nasabing LPA ang Mindanao at Eastern Visayas na makararanas ng malakas na pag-ulan.

Apektado naman ng umiiral na hanging habagat ang Ilocos Norte, Batanes at Babuyan Islands. Habang ang Metro Manila at mga karatig-lugar ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'