Sa bigat ng nararamdaman matapos pagalitan ng kanyang ina, nagbigti ang isang estudyante sa sarili nitong tahanan sa Caloocan City, noong Martes ng gabi.

Dead on the spot si Bren Vicente, 17, ng Unit-1-A Tahanan Talipapa Street, Barangay 22 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Victoria, ina ng biktima, dakong 7:00 ng gabi nang madiskubre niyang nagbigti ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay gamit ang sinturon.

Humingi umano ng tulong si Victoria sa mga kapitbahay at pinagtulungan nilang ibaba ang biktima at isinugod sa ospital ngunit huli na ang lahat.

Kasal ng mag-asawang gumamit ng 'AI' sa wedding vows, pinawalang bisa ng korte!

Ayon kay Victoria, marahil ay dinamdam ng kanyang anak ang kanilang pagtatalo noong isang araw.

Naniniwala ang pamilya na walang foul play na nangyari. (ORLY L. BARCALA)