Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Year of Mercy, isang pilgrimage para sa persons with disabilities (PWDs) ang nakatakdang idaos sa Sabado, na ang layunin ay maipaabot ang pagmamahal ng Panginoon at mabigyan ng pag-asa ang mga taong may kapansanan.
Ang 4th Pilgrimage with Jesus and Mary for Persons with Disabilities, na may temang “The Mercy of God is for All,” ay sisimulan ganap na 8:00 ng umaga, sa St. James the Greater Parish sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City.
Layunin umano nito na maipabatid sa PWDs na sa kabila ng kanilang kapansanan ay mahalaga silang bahagi ng lipunan.
Kabilang sa mga nakahanay na aktibidad ng programa ay pagdarasal, prusisyon, talakayan, workshop, sayawan at isang banal na misa.
Si Manila Archbishop Emeritus Guadencio Cardinal Rosales ang inaasahang magsisilbing guest of honor ng naturang programa. (Mary Ann Santiago)