Asam ng delegasyon ng Pilipinas na malampasan ang huling kampanya sa pagsabak sa 11 sports mula sa paglalabanang 22 sports sa 5th Asian Beach Games na gaganapin sa Da Nang, Vietnam simula Setyembre 24 hanggang Oktubre 4.

Ito ang sinabi ni Philippine chef de mission Karen Caballero sa pagdalo kasama sina Jeffrey Lo, Sr. VP at Business Unit head SM Men/SM Youth/SM Store, at Marielle Ardiente, AVP for Bo Athletics, sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Shakey’s, Malate.

Kabuuang 72 atleta na kinabibilangan nina Rio de Janeiro Olympian Marestella Torres-Sunang sa beach athletics at Jessie Khing Lacuna sa marathon swimming ang lalahok sa biennial meet.

Nakapag-uwi ng 12 medalya ang delegasyon noong 2014 edition.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi naman makakasama sina Olympian Eric Shauwn Cray at Donovan Arriola na papalitan ni Southeast Asian Games gold medalist Christopher Ulboc.

Sasabak din ang Pilipinas sa 3x3 basketball, beach volleyball, jiu-jitsu, kurash, marathon swimming, beach athletics, muay thai, pencak silat, wrestling, at rowing.

Sa 2014 edition sa Phuket, Thailand, napagwagihan nina Maybelline Masuda at Annie Ramirez ang gintong medalya sa Women’s –50 kg Jiu-jitsu at Women’s –60 kg. Jiu-jitsu, habang nakopo. Ang ikatlong ginto ay kay Geylord Coveta ngWind Surfing sa Men RS One event.

Sa kabuuan, nagwagi ang bansa ng tatlong ginto, dalawang silver at pitong bronze medal para sa ika-14 na puwesto sa overall standings. (Angie Oredo)