ISULAN, Sultan Kudarat – Arestado ang isa sa mga pinaghahanap kaugnay ng pamamaslang sa 58 katao sa tinaguriang Maguindanao Massacre noong 2009, makaraang makorner sa Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat, nitong Sabado.

Sa pangunguna ni Supt. Nestor Salcedo, naaresto dakong 9:30 ng umaga si Acad Macaton, nasa hustong gulang, na pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Ayon pa sa report, nakumpiskahan din si Macaton ng tatlong piraso ng sachet ng hinihinalang shabu, at isang granada.

Pansamantalang nakapiit ngayon si Macaton sa himpilan ng Lambayong Police.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang mamamahayag ang 32 sa 58 na pinatay sa massacre, na pangunahing suspek ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan sa Maguindanao. (Leo P. Diaz)