Kahit sumuko na sa barangay, pinasok at pinagbabaril pa rin ang mag–asawa na umano’y nagbebenta ng ilegal na droga sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Supt. Lito E. Patay ang biktima na sina Reynaldo Santos y Caringal, 46, at Divina, ng No. 02 Catanduanes Street, kanto ng Katipunan St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong 9:30 ng gabi, pinasok ng tatlong armado ang bahay ng mga biktima at sila’y pinagbabaril hanggang sa duguang bumulagta sa sala.

Pinaghahanap na ng mga suspek, pawang nakasuot ng bonnet, na humarurot papalayo sakay sa motorsiklo.

National

VP Sara, bumisita sa benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day Program ng OVP sa Albay

Ayon sa kaanak ng mag-asawa, tumangging magpabanggit ng pangalan, sumuko na umano ang mag-asawa sa Oplan Tokhang kamakalawa at sila’y nakulong matapos masangkot sa ilegal na droga. (Jun Fabon)