Hindi na isasali ang labor contractors at subcontractors sa mga job fair ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na hindi na papayagang makisali ang mga establisimyento may sistema ng contracting at subcontracting sa mga job fair ng ahensiya “upang mabawasan ang bilang ng mga establisyamento na nagpapatupad ng ‘endo’ at labor-only contracting at tuluyan na itong maalis sa 2017.”

“Ipinagbabawal ang labor-only contracting. Ito ay nangangahulugan na ang labor-only contracting, o iyong kasunduan kung saan ang contractor o sub-contractor ay nagre-recruit, nagsu-supply, o nagtatalaga lamang ng manggagawa upang magtrabaho o magbigay ng serbisyo sa isang principal, ay iligal,” paliwanag ni Bello. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'