GAPAN CITY - Dalawa at kalahating taon ang naging paghahanap bago tuluyang bumagsak sa kamay ng batas ang isang akusado sa kidnapping, na nasakote sa manhunt operation ng Gapan Police sa Purok 7, Barangay Pambuan sa siyudad na ito, nitong Martes.

Kinilala ni Supt. Peter B. Madria, Gapan City Police chief, ang naaresto na si Rameses Nolasco y Ramos, 44, may asawa, residente ng nasabing lugar.

Nasakote ang suspek sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Presiding Judge Celso O. Baguio, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 87, para sa kasong kidnapping na may petsang Disyembre 13, 2013.

Malaki naman ang paniniwala ni Madria na natuldukan na ng Gapan City Police ang kidnapping activities sa lungsod sa pagkakadakip kay Nolasco. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar