ESPESYAL ang Setyembre 8 para sa mga deboto ni Birheng Maria at sa mga Katoliko. Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Pinagpalang Birheng Maria, ang ina ni Hesukristo.

Sa tradisyon ng Simbahan, tatlong kaarawan ang ginugunita sa liturgical year: ang kapanganakan ni Hesukristo sa Disyembre 25, ang pagsilang ni Maria na ipinagdiriwang ngayon, at ang kapanganakan ni San Juan Bautista noong Hunyo 24. Ang mga pagdiriwang na ito ay tumutukoy sa personalidad at sa misyon nito kay Hesukristo. Si San Juan Bautista ang nagsilbi bilang huling mensahero bago dumating si Hesus. Inihanda si Maria, ayon sa turo ng Simbahan, ng Ama simula sa kanyang kapanganakan para maging ina ni Hesukristo. Isang prebilehiyo ang mapili siya bilang tagapagsilang ng Anak ng Diyos. Dahil ito, kinikilala ng mga Kristiyano si Maria bilang “pinakanatatanging anak na babae ng Ama.”

Sa pagdedeklara ni Pope Francis sa pagdiriwang ng Extraordinary Year of Mary sinabi niya tungkol kay Maria: “Chosen to be the Mother of the Son of God, Mary, from the outset, was prepared by the love of God to be the Ark of the Covenant between God and man.” (Misericordiae Vultus, 24) Simula nang mabuhay sa mundo, punumpuno si Maria ng pagmamahal ng Diyos at kaparehong pag-ibig ang namumutawi sa kanyang puso na nakikita sa kanyang buhay.

Pagpapatuloy ni Pope Francis: “She treasured divine mercy in her heart in perfect harmony with her Son Jesus. Her hymn of praise, sung at the threshold of the home of Elizabeth, was dedicated to the mercy of God which extends from ‘generation to generation’ (LK 1:50). We too were included in those prophetic words of the Virgin Mary. This will be a source of comfort and strength to us we cross the threshold of the Holy Year to experience the fruits of divine mercy.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngayong araw, sa pagdiriwang natin ng Kaarawan ni Maria, ipahayag natin ang labis nating pasasalamat sa Ama sa paghahandog sa atin ng isang gaya ni Maria, ang mapagpakumbabang dalaga ng Nazareth na matapang na nagsabi ng “oo” sa imbitasyon ng Diyos na maging ina siya ni Hesus, ang tanging Anak ng Diyos. Siya ay “labis na pinapaborang anak na babae” ng Panginoon, na perpektong binuo ng kanyang ina na si Anna. Hindi lamang siya nanatiling walang pagkakasala simula nang mabuo sa sinapupunan ng kanyang ina, kundi nanatiling walang pagkakasala hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay. Pinasasalamatan natin ang Diyos Ama para sa kanyang buhay, isinilang si Hesus sa mundo para maging tagapagligtas. Pinasasalamatan din natin ang Ama sa pagbibigay kay Maria para maging isang huwaran na sumusunod sa kanyang banal na kalooban. Nagpapasalamat tayo na sa pamamagitan ni Maria ay ipinamamalas ng Ama ang kanyang awa at malasakit para sa atin.

Sa kanyang kaarawan, papurihan natin ang Diyos dahil kay Maria. Sundan natin si Hesus sa yapak ni Maria, para tulad niya, titingnan tayo ng Diyos ng may kahabagan at pagmamahal.