BINALIKAN si G Toengi ng supporters ni Presidente Rody Duterte nang mag-post siya sa Instagram (IG) ng, “@potus (President of the United States) cancels meeting with #Duterte #LaTimes #whatashame If you are going to leave ignorant @ hateful remarks, get off my wall! #losers.”
Tungkol ito sa pagmumura raw ni Pres. Duterte kay US Pres. Obama, pero hindi nagpapigil ang mga kababayan nating nagpahayag ng galit sa post ni G.
Natawag tuloy siyang “starlet”, never sumikat, at iba pang masasamang salita. May nagpayo pa sa kanya na intindihing mabuti ang sinabi ni Duterte at bisitahin ang IG account ni Robin Padilla na may transcript ng speech ng pangulo.
Sagot ni G sa bashers, “I am flabbergasted by people’s ignorance. Do you understand that a president of any country needs to be diplomatic instead of cursing? Innocent people are dying by the thousands with no due process in the Philippines! #HumanRightsViolations.”
Pero sino nga ba kina G at Robin ang tama?
Batay sa ipinost ni Robin na aniya’y “Real Time Translation,” malinaw na hindi si Obama ang minura ng Pangulong Duterte kundi ang reporter na nagtanong sa kanya.
Sa isang bahagi kasi ng mga sinabi ni Pres. Duterte ay, “Do not just throw away question and statements. P----g ina, mumurahin talaga kita diyan sa forum.”
Ang tanong ngayon, hindi kung sino kina Robin at G ang paniniwalaan ng tao. Ang mas importante ay kung paano maiaayos ang gulong ito. (Nitz Miralles)