09072016_DOLECALLCENTER_ROMERO-1 copy

Inilabas ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang Labor Advisory No. 13 na nagtatakda ng tamang pasahod sa regular holidays at special non-working days para sa 2017.

“Ang hindi pagbabayad ng holiday pay ang isa sa pangkaraniwang suliranin na inirereklamo ng mga manggagawa sa Kagawaran,” wika ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Regular Holiday

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ang mga sumusunod na patakaran sa tamang pasahod para sa regular holiday ng 2017 sa Enero 1, 9, 13, at Abril 14, Mayo 1, Hunyo 12, Agosto 28, Nobyembre 30, at Disyembre 25 at 30, at paggunita ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha:

Kapag ang empleyado ay hindi pumasok, tatanggap siya ng 100 porsiyento ng kanyang arawang sahod, 200% kapag siya ay pumasok, at karagdagang 30% para sa sobrang oras ng trabaho (overtime).

Kung natapat sa araw ng pahinga (day off) at pumasok ang empleyado, siya ay tatanggap ng 30% dagdag sa 200% sahod at 30% sa overtime.

Special non-working holiday

Sa special non-working holidays ng Enero 28, Pebrero 25, Abril 15, Agosto 21, Oktubre 31, Nobyembre 1, at Disyembre 31, ang mga alituntunin ay: Ipatupad ang “no work, no pay” maliban na kung may polisiya ang kumpanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod sa special non-working holiday.

Kapag nagtrabaho ang empleyado, tatanggap siya ng 30% na dagdag sa sahod at dagdag na 30% para sa overtime. Ang nagtrabaho sa day off ay may karagdagang 50% sa sahod at 30% sa overtime pay. (Mina Navarro)