ALEPPO (Reuers) – Nahirapang huminga ang maraming residente bunga ng pinaghihinalaang chlorine gas attack sa lungsod ng Aleppo sa Syria nitong Martes.

Sinabi ng Syrian Civil Defence, ang samahan ng rescue workers sa mga lugar na hawak ng mga rebelde, na nagbagsak ang mga helicopter ng gobyerno ng mga barrel bomb na naglalaman ng chlorine sa pamayanana ng Sukari sa silangan ng Aleppo.

Sinabi ng Civil Defence sa Facebook page nito na 80 katao ang nahirapang huminga. Wala namang namatay.

Nagpaskil ito ng video na mga hinihingal na bata.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline