Pinataob ng Centro Escolar University-B Scorpions at Rich Golden Shower Montessori Center Spartans ang kani-kanilang karibal nitong Linggo sa 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa St. Placid gym sa San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Pinangunahan ni Don Tabal ang Scorpions sa naiskor na 14 puntos sa dominanteng 80-50 desisyon laban sa St. Michael College of Laguna, para sa ikalawang panalo sa limang laro sa men’s Group A.

Hataw si Miguel Canada sa natipong 21 puntos sa 108-63 panalo ng Spartans kontra Colegio San Agustin-Binan, 108-63, para sa ikalawang sunod na panalo sa juniors Group A.

Sa iba pang laro, ginapi ng San Beda-B Red Lions, sa pangunguna ni transferee Kenmark Carino na tumipa ng 15 puntos, ang Arellano University, 70-67, habang sa isa pang junior action, nginata ng National University Bullpups ang SMCL, 90-52.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman