TARLAC CITY – Matindi ang teorya ng mga awtoridad na natural ang sanhi ng pagkamatay ng isang matandang lalaki na natagpuang wala nang buhay sa Care Express Tricycle Terminal sa Barangay Mabini, Tarlac City.

Sa report ni PO3 Benedick Soluta, ang natagpuang bangkay ay kay Antonio Nazareno, 80, may asawa, ng Zone 5, Bgy. Calingcuan, Tarlac City.

Napaulat na matagal nang pagala-gala sa lugar ang matanda para mamulot ng basura at iba pang maaaring pagkakitaan.

Napag-alaman na dakong 10:50 ng umaga nitong Martes nang makita umanong pagod na nakaupo si Nazareno sa terminal ng Care Express Tricycle, at makalipas ang ilang minuto ay napansin ng mga tricycle driver sa lugar na hindi na ito humihinga. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar