Humugot ng pambalik-kumpiyansang panalo ang Philippine Azkals sa natipang 2-1 panalo kontra Kyrgyz Republic sa international friendly game sa Bishkek, Kyrgyztan.

Bahagi ang laro sa paghahanda ang Azkals sa pagsabak sa AFF Suzuki Cup.

Pinamunuan ni Neil Etheridge ang matinding depensa ng Azkals kontra sa mas matatangkad na kalaban habang nagtulong sina Kevin Ingreso at Misagh Bahadoran sa pag-atake para maisalpak ang goal laban sa 105th world rank na karibal.

“It’s a scrappy win for us but we’ll take it,” pahayag ni team manager Dan Palami. “Great effort by the Azkals.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Unang nakaiskor ang Kyrgyzthan bago nakabawi ang Pinoy na tinampukan nang malapader na depensa ni Etheridge para maitakas ang panalo.

Umiskor ang Pinoy booters sa natitirang dalawang minuto bago ang halftime break matapos ipasok ni Ingreso ang bola mula sa maikling free kick ni Phil Younghusband.

Dinoble ng Pinoy ang abante sa ika-52 minuto matapos ipasa ni Bahadoran ang isang cross kay Junior Muñoz.

Nasalo ni Etheridge ang isang penalty kick sa ika-88 minuto upang ipakita ang solidong depensa at isalba ang laban para sa kanyang koponan.

Sunod na makakalaban ng Azkals sa pares ng friendly match ang Bahrain sa Philippine Sports Stadium sa Oktubre 7 at ang North Korea sa Oktubre 10 bilang kanilang preparasyon para sa Suzuki Cup. (Angie Oredo)