ANG pagkatha ng awitin ay isang mabisang pamamaraan upang maipahayag ang saloobin ng isang tao hinggil sa ilang isyu, personal man o panlipunan.

Dinalaw kamakailan ng veteran singer na si Anthony Castelo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City upang personal na ibigay ang kopya ng CD entitled Ang Bagong Pilipino na siya mismo ang nag-compose.

A gift of song, sabi ni Anthony, para sa isang lider na kanyang hinahangaan.

“Bilang ama ng ating bansa, the president sees the country bilang kanyang tahanan at ang mga mamamayan ang siyang miyembro ng kanyang pamilya na sinumpaan niyang ipagtatanggol at poprotektahan at all costs kahit na buhay niya ang maging kapalit,” pahayag ng former councilor ng Quezon City sa isang panayam. “Salamat po Pangulong Duterte for loving the Philippines.”

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sa kanyang pagdalaw sa pangulo ay sinabi rin niya rito na nakahanda siyang tumulong at sumuporta sa pakikipaglaban nito sa illegal drugs, corruption at iba pang uri ng kriminalidad.

Layunin din ni Castelo na tulungan ang bagong administration sa lalong ikauunlad ng ating bansa sa larangan ng sining at kultura. (REMY UMEREZ)