UNITED NATIONS (Xinhua) – Halos 50 milyong kabataan sa buong mundo ang napilitang umalis sa kanilang mga tirahan — 28 milyon sa kanila ay itinaboy ng mga kaguluhan, at milyun-milyon pa ang nandarayuhan sa pag-asang masumpungan ang mas maganda at ligtas na pamumuhay, sinabi ng UN Children’s Fund (UNICEF) nitong Miyerkules.

Madalas ma-trauma sa tinatakasang kaguluhan at karahasan, nahaharap ang mga bata sa dagdag na panganib sa kanilang mga dinaraanan, kabilang na ang pagkalunod sa pagtawid sa dagat, malnourishment at dehydration, trafficking, kidnapping, rape at pamamaslang, ayon sa Unicef. Nahaharap din sila sa xenophobia at diskriminasyon sa mga dinaraanan at patutunguhang lugar.

Ang bagong ulat ng UNICEF, “Uprooted: The growing crisis for refugee and migrant children,” ay nagpipinta ng mga bagong larawan ng pamumuhay at sitwasyon ng milyun-milyong pamilya na apektado ng kaguluhan at iba pang krisis na tila ba mas ligtas na isugal ang lahat sa mapanganib na paglalakbay kaysa manatili sa kanilang lugar.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina