Nakatakdang magpadala ng mga tauhan ang Department of Health (DoH) sa Iloilo upang alamin kung may iba pang dinapuan ng Zika virus sa naturang lalawigan.

Ito ang inihayag ni DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag kasunod ng kumpirmasyon na isang 45-anyos na Pinay ang tinamaan ng Zika virus doon.

Ayon kay Tayag, inaasahan na rin nilang madaragdagan pa ang bilang ng maitatalang Zika virus cases kasunod nang pagpapaigting nila ng kanilang surveillance efforts laban sa sakit.

Nilinaw naman ng DOH na ang babaeng pasyente ay hindi buntis at bagamat ito ang itinuturing na ikaanim na kaso ng Zika na naitala sa bansa simula 2012, ay ito ang kauna-unahang confirmed Zika case sa Pilipinas ngayong taon.

Metro

Intramuros, mapupuno ng pagtatanghal buong taon—NCCA

Posible namang local transmission ang nangyari dahil hindi naman bumiyahe sa ibang bansang apektado ng Zika ang pasyente. (Mary Ann Santiago)