Patay na nang matagpuan ang isang Muslim vendor na may tatlong tama ng bala sa likod sa Port Area, Manila, kamakalawa ng gabi.
Bilang bahagi ng kanilang tradisyon, hindi na isinailalim pa sa awtopsiya at kaagad na ipinalibing ng pamilya si Normina Lora, 51, ng Block 9, Baseco Compound, Port Area, Manila.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 8:00 ng gabi nadiskubre ang bangkay ng biktima sa 11th Street, Port Area, Manila.
Ayon kay Barangay Executive Officer Rodolfo Torno, ng Barangay 650, Zone 68, District 5, isang concerned citizen ang nagpaalam sa kanya kaugnay sa pagkakadiskubre sa bangkay at kaagad niya itong bineripika at ini-report sa mga pulis.
Bigo naman si Duran na makakuha ng impormasyon sa mga residente sa lugar hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek.
(Mary Ann Santiago)