ZAMBOANGA CITY – Namatay na sa isang ospital sa Siocon, Zamboanga del Norte ang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nasugatan sa bakbakan sa militar sa Patikul, Sulu, habang muli namang sumiklab ang labanan ng magkabilang panig kahapon ng umaga.

Ayon sa military report, dinala ng mga hindi nakilalang lalaki ang miyembro ng ASG sa Siocon Municipal Hospital sa Siocon nitong Lunes ng gabi, ngunit binawian din ito ng buhay kahapon ng umaga.

Kasabay nito, sinabi kahapon ni Maj. Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) na dakong 8:20 ng umaga kahapon nang muling sumiklab ang bakbakan ng 44th Infantry Battalion sa ASG, na pinamunuan ng sub-leader na si Jamiri Jaong Jawhari, sa Barangay Danag, Patikul.

(Nonoy E. Lacson)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar