Hiniling ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na huwag munang magsalita ng mga justice ng Supreme Court (SC) habang nasa proseso pa ang oral arguments hinggil sa planong payagang maihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“To keep silent while the oral arguments are going on is not only prudent but also the right thing to do. This will prevent any member of the Supreme Court from, knowingly or unknowingly expressing biases which may be interpreted as prejudgments thusly, disqualifying any member of the Supreme Court to whom the subject bias statements may be ascribed,” ayon kay House Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro.

Sinabi naman ni BUHAY party-list Rep. Lito Atienza, dapat iwasan ng SC justices ang magkomento. “They should keep to their hearts whatever positions they may have at the moment so as not to prematurely influence the ruling,” dagdag pa nito.

Ang 20-araw na status quo ante order ng SC naglalayong ipatigil ang preparasyon para sa libing ni Marcos sa LNMB, ay matatapos na sa Setyembre 12. (Charissa M. Luci)

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara