Kalaboso ang isang ama nang ireklamo ng sariling niyang ina sa umano’y pananakal at pananakit sa sarili niyang anak sa Sta. Mesa, Manila.

Kasong physical injuries in relation to Republic Act 7610 ang kinakaharap ng suspek na si John Michael Lacanaria, 32, ng 2186 NDC Compound, Road 11, Sta. Mesa, Manila.

Inireklamo si Lacanaria ng kanyang ina na si Melinda Lacanaria, 53, matapos umanong sakalin at saktan ang isang taong gulang niyang anak, na itinago sa alyas na “Boy”.

Sa ulat ni Police Supt. Olivia Sagaysay, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 8, dakong 3:00 ng madaling araw nitong Lunes nang arestuhin ng mga barangay tanod ang suspek sa sarili nitong tahanan.

Metro

Lalaking 'di nabigyan ng pera ng ina, tumalon sa ilog!

Napansin umano ni Melinda ang mga pasa at sugat sa katawan ni Boy at tila iniiwas na masagi at mahawakan ang ilang parte ng kanyang katawan dahil sa sakit.

Dahil dito, kaagad dinala ni Melinda ang biktima sa Ospital ng Sampaloc upang ipasuri at nagtungo sa barangay hall ng Barangay 628, Zone 63, District VI upang ipa-blotter ang insidente.

Tuluyang nadakip ang suspek kamakalawa ng madaling araw. (MARY ANN SANTIAGO)