Pinulong kahapon ni Northern Police District (NPD) Director Sr. Supt. Roberto Fajardo ang apat na chief of police sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area na doblehin ang security measures para maiwasan ang pag-atake ng mga terorista sa hilaga ng Metro Manila.
Ang alerto ay kasunod ng pambobomba sa Roxas Night Market sa Davao City noong Biyernes na ikinamatay ng 14 katao at marami pang iba ang nasugatan.
Magsasagawa ng round the clock patrol at checkpoints sa CAMANAVA area, lalo na sa mga alanganing lugar na posibleng gawing entry point ng mga terorista. (Orly L. Barcala)