ZAMBOANGA CITY – Arestado ang isang barangay kagawad sa drug buy-bust operation at nakumpiskahan pa ang isang .45 caliber pistol sa Barangay Mampang sa siyudad na ito.

Kinilala ni Tetuan Police Chief Supt. Nonito Asdai ang nadakip na si Erico Rivera y Estrada, 42, kagawad ng Bgy. Mampang sa lungsod na ito.

Sinabi ni Asdai na naaresto si Rivera ng mga operatiba ng Tetuan Police sa Gagara Cruz Drive sa Bgy. Mampang dakong 6:30 ng gabi nitong Sabado at nakumpiskahan ng isang .45 caliber pistol na kargado ng mga bala, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang cell phone, at P300 marked money. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar