ANG Independence Day, na kilala rin bilang Sete de Setembro, ay ang National Day ng Brazil. Ginugunita nito ang pagsisimula ng bansa noong Setyembre 7, 1822 matapos makamit ang kalayaan mula sa mga Portuguese. Sa araw na ito, idineklara ni Prince Pedro, anak ng hari ng Portugal, ang kalayaan ng Brazil. Dahil dito, tinawag siyang “The Liberator” at naging unang pinuno ng Empero ng Brazil.

Sa Brasilia, ang kabisera ng bansa, ipinagdiriwang ang araw sa Ministries Esplanade na may parada ng mga militar na madalas ginaganap tuwing umaga sa harap ng Presidente ng Brazil. Maraming pinunong pulitiko ang dumadalo sa mga pampublikong kaganapan para pag-usapan ang tungkol sa pamana, batas, kasaysayan, mga tao, mga bagong pag-unlad, at mga plano sa hinaharap ng bansa. Halos sinusulit ng lahat ng Brazillian ang no-work holiday sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng family outing, picnic, at ng mga outdoor event tulad ng air shows, musical concert, at fireworks.

Libu-libong Brazilian ang nagdiriwang ng okasyon na may mga bandila, lobo, at banderitas. Buong pagmamalaki nilang iwinawagayway ang kanilang Pambansang Watawat, kumakanta, at nagpapakasaya kasama ang miyembro ng pamilya at mga kaibigan.

Ang Brazil, na opisyal na Federative Republic of Brazil, ang pinakamalaking bansa sa South America. Ito ay may hangganan sa French Guiana, Venezuela, Guiana, at Suriname sa hilaga, Colombia sa hilagang-kanluran, Paraguay at Argentina sa timog-silangan, Uruguay sa timog, at Peru at Bolivia sa kanluran. Sagana ang Brazil sa iba’t ibang kultura, tanawin, at kasaysayan.

Nagsimula ang bilateral na ugnayan ng Pilipinas at Brazil sa pamamagitan ng diplomasya, kalakalan, at pamumuhunan.

Parehong nagsikap ang dalawang bansa para sa solusyong pangkapayapaan sa mga kaguluhan, economic at social development, right to self-determination of peoples, decolonization, equality, at pagkondena sa deskriminasyon batay sa lahi, at sa terorismo Mayroong embahada ng Pilipinas sa Brasilia at ang embahada ng Brazil ay nasa Maynila.

Binabati namin ang Mamamayan at Gobyerno ng Federative Republic of Brazil, na pinamumunuan ni President Dilma Rousseff, sa pagdiriwang nila ng anibersayo ng Independence Day.