LONDON (Thomson Reuters Foundation) – Hindi maaabot ng mundo ang mahigit kalahating siglong deadline para tiyakin na magkakaroon ng secondary education ang lahat ng bata, sinabi ng United Nations noong Martes, idinagdag na 40 porsiyento ng mga batang mag-aaral ay tinuturuan sa lengguwahe na hindi nila katutubong wika.
Nagkasundo ang mga lider ng mundo noong nakaraang taon na pagsapit ng 2030 lahat ng batang babae at lalaki ay dapat na makakumpleto ng libre at de kalidad na primary at secondary education, ngunit ang kakulangan ng pondo ang humahadlang sa progresong ito, ayon sa U.N.
Ang deadline sa universal education ay napagkasunduan bilang bahagi ng Sustainable Development Goals (SDGs) – isang ambisyosong plano para mawakasan ang kahirapan, gutom, isulong ang pagkakapantay-pantay at protektahan ang kapaligiran.