“While the immediate cause was my strong comments to certain press questions that elicited concerns and distress, we also regret it came across as a personal attack on the US President.”
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng malaking kontrobersya na nilikha ng kanyang maanghang na komento patungkol kay US President Barack Obama.
“We look forward to ironing out difference arising out of national priorities and perceptions, and working in mutually responsible ways for both countries,” ayon sa Pangulo, sa kanyang statement na binasa ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Ipinaliwanag ng Pangulo na ang nais lamang niya ay gumuhit ng ‘independent foreign policy’, habang pinalalago ang relasyon sa ibang bansa, lalo na sa United States na matagal nang partner ng Pilipinas.
Meeting, sa ibang araw na lang
Samantala sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, na patuloy na pinapahalagahan ng Pangulo ang alyansa nito sa US, lalo na’t pareho naman ang kanilang layunin hinggil sa kampanya laban sa droga, krimen at kahirapan.
“Both delegations however agreed that in the light of the two issues that still need to be worked on, the bilateral meeting between the two nations will be postponed to a later date,” ani Andanar.
Salamat
Pinasalamatan din umano ng Pangulo si Obama sa mahigpit na suporta ng US sa Pilipinas, sa idinaos na G20 summit, kung saan binigyang diin ni Obama ang importansya ng pagtalima ng China sa international law.
(Roy C. Mabasa at Genalyn Kabiling)