HONG KONG (Reuters) – Lalong nagiging agresibo ang aksyon ng mga barko ng Chinese coast guard sa South China Sea at nanganganib na guluhin ang rehiyon, ayon sa mga may-akda ng isang bagong pag-aaral na sumusubaybay sa mga ganapan sa maritime law enforcement.
Idinetalye ng mga mananaliksik ng Center for Strategic and International Studies ng Washington ang ilan sa 45 banggaan at pagmatigasan sa South China Sea simula 2010 sa isang survey na nakatakdang ilabas ngayong linggo sa ChinaPower website nito at nasilip ng Reuters.
Mapapansin na halos karamihan ng mga insidente ay kinasasangkutan ng coast guard ng China -- 30 sa mga nailistang kaso o two-thirds ng kabuuan.
“The evidence is clear that there is a pattern of behavior from China that is contrary to what law enforcement usually involves,” sabi ni Bonnie Glaser, regional security expert ng CSIS. “We’re seeing bullying, harassment and ramming of vessels from countries whose coast guard and fishing vessels are much smaller, often to assert sovereignty throughout the South China Sea.”