CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite - Binulabog kahapon ng bomb threat ang Cavite State University (CavSU) sa Indang na pinakamalaking state university sa lalawigan.

Kinumpirma naman nina Indang Municipal Police chief, Chief Insp. Willy Salazar at SPO1 Jeffrey Lopez na walang natagpuang bomba sa apat na oras na paghahalughog sa unibersidad.

Rumesponde ang awtoridad makaraang i-report ni Raquel Yuzon, security guard sa CavSU, na sa pamamagitan ng isang Facebook post ay nakatanggap siya ng impormasyon na may nakatanim na bomba sa unibersidad at sasabog ito sa Martes.

Samantalang, negatibo rin ang bomb threat, na idinaan sa text message, na natanggap ng Anilao National High School sa Mabini, Batangas, nitong Lunes. Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:56 ng umaga nang makatanggap ng text message si Cheryl Fabregas, 50, principal ng eskuwelahan, tungkol sa sasabog umanong bomba.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Agad namang pinalabas ng pamunuan ng CAvSU ang mga estudyante kasabay ng pagresponde ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Philippine Air Force. (Anthony Giron at Lyka Manalo)