VIENTIANNE, Laos – Kinansela ni US President Barack Obama ang bilateral meeting nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, matapos makarating sa una ang maanghang na salita ng Pangulo bago tumulak dito para sa 28th at 29th Association of Southeast Asian Nations Summits at iba pang kaugnay na summit.

Nauna nang inihayag ng Pangulo na kailangang rumespeto si Obama kapag nagkita sila sa Laos.

“Do not just throw away questions and statements. Son of a whore, I will curse you in that forum. We will be wallowing in the mud like pigs if you do that to me,” ayon sa Pangulo, kung saan mistulang ayaw nitong matanong hinggil sa extrajudicial killings.

Ang pahayag ni Duterte ay nakarating kay Obama, na noo’y nasa G20 summit sa Chinese city ng Hangzhou.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Inatasan umano nito ang kanyang team na makipag-usap sa kanilang Philippine counterparts upang alamin kung ngayon ang panahon para magkaroon ng ‘constructive productive conversations’.

“I just came out of a long day of meetings. I just heard about some of this. But I have seen some of those colorful statements in the past,” ayon kay Obama, patungkol kay Duterte. “And so clearly he’s a colorful guy.”

Sinabi ni Obama na ‘closest friends and allies’ ng Amerika ang mga Filipino. “And the Philippines is a treaty ally of ours. But I always wanna make sure, that if I’m having a meeting, that is actually productive and we’re getting something done,” dagdag pa nito.

Batid umano ni Obama ang bigat ng laban ng mga bansa laban sa droga, ngunit kailangan pa rin umano ang due process.

“And so undoubtedly, if and when we have a meeting, this is something that’s gonna be brought up. And my expectation, my hope is it could be dealt with constructively,” pahayag nito.

Makaraan ang ilang oras, inanunsyo na ng White House ang kanselasyon ng pulong ni Obama at Duterte. Ayon sa Palasyo ng Malacañang, ang kanselasyon ay desisyon ng magkabilang panig.

Sa halip, makikipagpulong na lang ang US President kay South Korean President Park Geun-hye.