Hindi pa man natatapos ang ginaganap na Asian Women’s Club Championships, naibigay sa bansa ang hosting para sa 19th Asian Senior Women’s Championships sa susunod na taon.
Ayon kay Peter Cayco, acting president ng Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI), gaganapin sa bansa ang isa sa pinakamalaking torneo sa rehiyon.
“During the inauguration of the office and training center of LVPI inside the Arellano Gym last Saturday, no less than FIVB honorary president Jiezhong Wei and FIVB Executive Vice-President Mr. Essa Hamza Ahmad Al Failakawi awarded to the Philippines the right to host the Asian seniors in August 2017,” sambit ni Cayco.
Ipinaliwanag ni Cayco na ang Asian Seniors Women Championships ay ginagamit na tune-up ng iba’t ibang bansa para sa kanilang paghahanda sa susunod na 2018 Asian Games na gaganapin sa Indonesia.
“We were invited and went also to CESAFI in Cebu where the Coaches Commission of Cebu was organized with no other than Sammy Acaylar elected as president. The Referees Commission for the Visayan Region will also be soon organized,” aniya.
Huling idinaos ang Asian Seniors sa lungsod ng Tianjin at Beijing sa China kung saan kabilang sa mga lumahok ang powerhouse Iran, Fiji, Thailand, Kazakhstan at Australia, gayundin ang India, Chinese Taipei, Hong Kong, Sri Lanka, Japan, Vietnam, Mongolia, Turkmenistan at South Korea.
Iniuwi ng China ang ika-13 nitong titulo sa pagsungkit sa gintong medalya kasunod ang South Korea at Thailand.
(Angie Oredo)