Nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa Metro Manila nang simulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilipat ang naka-impound na 410 na sasakyan mula sa kanilang impounding area sa Pasig City patungong Barangay San Isidro, Tarlac City kahapon.
Nag-umpisa ang usad pagong ng mga sasakyan mula sa Pasig hanggang Whiteplains sa Quezon City maging sa Tarlac City dahil sa sorpresang paglilipat ng impounded vehicles, kabilang dito ang 150 sasakyan at 260 motorsiklo na unang hinuli ng MMDA dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas trapiko.
Nauna nang nag-abiso si MMDA General Manager Thomas Orbos para sa kaukulang pagtubos sa mga sasakyan bago ilipat sa Tarlac, ngunit hindi tumalima ang mga ito. (Bella Gamotea)