Nakauwi na ang 174 na mangingisdang Pilipino na inalalayan sa repatriation ng Konsulado ng Pilipinas sa Manado, Indonesia, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes.

Ayon sa konsulado, Agosto 31 nang sumakay ang mga Pinoy sa fishing boat na KM KUDA LAUT 01 mula sa Navy SATKAMLA pier sa Bitung. Dumating sila sa Panakan Naval Wharf sa Davao City dakong 8:00 ng umaga nitong Setyembre 3.

Tagumpay ang mass repatriation ng mangingisda sa kooperasyon ng may-ari ng KM Kuda Laut 01 na si Mr. Voltaire Loma, isang Pilipinong negosyante na matagal nang residente sa Bitung. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

'If sayaw dahil fiesta, sayaw lang!' Boom Labrusca, tinira mga 'naghuhubad' sa pista