CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ng pamunuan ng Police Regional Office (PRO)-10 ang pagsibak sa puwesto sa 12 matataas na opisyal nito matapos matuklasang hindi ng mga ito nagagampanan nang sapat ang kampanya ng pulisya laban sa droga.

Ang mga na-relieve na opisyal ay mula sa magkakaibang police unit sa rehiyon na nabigo “to keep up with the expected performance demand of Project ‘Double Barrel’ or the PNP campaign against illegal drugs,” ayon kay Supt. Surki Sereñas, tagapagsalita ng PRO-10.

Ayon kay Sereñas, ang relief order ay ipinalabas ni PRO-10 Director Chief Supt. Noel Constantino at naging epektibo nitong Lunes.

Aniya, sinibak sa puwesto ang mga hepe ng pulisya sa Cabanglasan at Kalilangan, sa Bukidnon; Villanueva, Magsaysay at Lagonglong, sa Misamis Oriental; Jimenez, Concepcion at Don Victoriano Chiongbian, sa Misamis Occidental; Pantar at Tangcal, sa Lanao del Norte; at tatlong himpilan sa Iligan City.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kasabay nito, kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na napatay ang isa sa 77 pulis sa PRO-3 na ipinatapon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Hindi pa kinilala ni Dela Rosa ang napatay na pulis, habang nagsimula ang imbestigasyon ng pulisya.

Ayon kay Dela Rosa, ang 77 pulis ay napatunayang sangkot sa transaksyon ng droga sa Region 3.

(Camcer Ordoñez Imam at Fer Taboy)