Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- NU vs UE

4 n.h. -- La Salle vs FEU

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Masusukat ang katatagan ng reigning champion Far Eastern University sa pakikipagtuos sa perennial contender De La Salle sa tampok na laro ng double header sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang laro sa ganap na 4:00 ng hapon.

Tinaguriang ‘team-to-beat’ ang Tamaraws at lumikha ng alingasgas ang hidwaan kontra sa Green Archers nang mauwi sa gulo at hindi na itinuloy ang tune-up ilang linggo na ang nakalilipas.

Hanggang sa press conference para sa season opening nitong Biyernes, nagparinigan pa ang coach ng magkabilang panig na sina Tamaraws coach Nash Racela at bagong La Salle coach Aldin Ayo.

Dahil sa pagkawala ng mga starters, dehado ang Tamaraws kontra sa Green Archers na sinasabing may pinakamalakas na roster sa liga dahil sa pagkakadagdag sa kanilang team ng mga prominenteng rookies na sina Ben Mbala, Justin Baltazar at Aljun Melecio.

Hindi na rin lalaro sa Tams ang nag-graduate nang sina Mac Belo, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russell Escoto at Axie Iñigo, ngunit tiwala si Racela sa kakayahan nina kina Reymar Jose, Monbert Arong, Steve at Ken Holmqvist at Prince Orizu.

Sa unang laro sa ganap na 2:00 ng hapon, sisimulan ng National University ang kampanya kontra sa all- homegrown team ng University of the East.

Inaasahang mamumuno sa Bulldogs sina JJ Alejandro, Paolo Javelona, Med Salim at Alfred Aroga habang tatapatan sila nina RR de Leon, Bonbon Batiller, at Paul Barilla. (Marivic Awitan)