Dagok sa kampanya ng naghahabol na Star Hotshots ang tiyak na pagkawala ni James Yap.
Hindi makapaglalaro ang two-time MVP sa huling dalawang laro ng Hotsohots dahil kailangang ipahinga ipahinga ang napinsalang kanang pige sa loob ng 10 araw.
Ang naturang injury ang isa sa rason sa biglang pagbaba ng laro ni James at sagot din sa tsismis na nasa trading block ang star Hotshots.
Hindi na naglaro ang 34-anyos na si Yap nitong Linggo kung saan tinalo ng Star ang Meralco, 104-103, sa MOA Arena.
Naisalpak ni import Joel Wright ang jumper may 0.7 segundo sa laro na tumuldok sa five-game skid ng Hotshots para sa 2-7 karta.
Sasabak ang Star sa huling dalawang laro kontra sa nangungunang TNT Katropa (8-1) sa Linggo at sa Rain or Shine (4-5) sa Sept. 16.
“I was advised to rest, sa ngayon kasi masakit yung buto e,” sambit ni Yap.
Natamo ni Yap ang injury sa laro kontra Phoenix Fuel nitong Biyernes nang aksidenteng tamaan ng siko ng kasanggang si RR Garcia.
“Pagka-rebound ni RR, nabagsakan ‘nya ako ng siko,” sambit ni Yap. (Waylon Galvez)