DAVAO CITY – “It’s personal.”

Sinabi ni Mayor Sara Z. Duterte na ang isa sa mga nasawi sa pambobomba sa night market nitong Biyernes ay naging private nurse niya nang ma-confine siya sa Davao Doctor’s Hospital dahil sa mga kumplikasyon ng una niyang pagbubuntis.

Personal na binisita kahapon ng alkalde ang burol ni Kristia Gaile Bisnon, 27, na ibiniyahe na rin kahapon ng tanghali ang labi patungo sa bayan nito sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kasabay nito, nag-alok si Mayor Sara ng P2 milyon pabuya sa sinumang makatutulong upang matukoy at maaresto ang mga suspek sa pambobomba, na ikinamatay ng 14 na katao at ikinasugat ng 71 iba pa.

Probinsya

Lalaking drug pusher, ginawa umanong ‘punching bag’ kinakasama niya; timbog!

“We want him alive because we want all the necessary information we can get from him,” sabi ni Mayor Sara. “We want to talk to him and find out who ordered the bombing and why it was carried out. We want to know who his cohorts are, their group, and their other terror plans.”

Aniya, tumulong ang mga negosyante sa Davao City para makalikom siya ng P1 milyon sa kabuuang pabuya, at ang P1 milyon pa ay magmumula sa pamahalaang lungsod.

Hiniling din ni Mayor Sara ang pagsibak sa puwesto kina Davao City Police Office Director Supt. Michael John Dubria at Task Force Davao commander Col. Henry Robinson.

“I took what happened personally and I feel that there will be strained working relationships between the city government, police, and the Task Force Davao if these officials continue,” anang alkalde. “I want new people on board and I want new ideas for Davao City.” (YAS D. OCAMPO)