Sinisilip pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakasangkot ng drug lords sa naganap na terror attack sa Davao City.

“The narco-terrorism angle is still there, we are not discounting that totally,” ayon kay PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa.

Sinabi nito na kung nangingidnap ang Abu Sayyaf Group (ASG) para magkapera, wala umanong rason para hindi pumasok sa bombing activities ang mga ito, kapalit ng salapi.

Maaari umanong nakipagsabwatan ang drug lords sa ASG para bombahin ang lungsod mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Magugunita na nasa Davao City ang Pangulo nang maganap ang pagsabog.

“If the Abu Sayyaf can kidnap people for money, they can also bomb people for money,” ani Dela Rosa. “So if I were a rich drug lord, I could pay the Abu Sayyaf to conduct bombings. They don’t have to kidnap people, they have just have to bomb because after all, they are terrorists,” dagdag pa nito.

Posible umanong sangkot ang drug lords na nakapiit ngayon sa New Bilibid Prisons (NBP).

Dalawang babae at isang balbas-saradong lalaki ang tinitingnan ng mga awtoridad na posibleng responsable sa pagpapasabog ng bomba sa lugar.

Hinay-hinay lang

Samantala pinayuhan naman ni Senator Leila De Lima ang awtoridad na maghinay-hinay lang sa pagpapalabas ng pahayag hinggil sa mga suspek.

“It is more than inappropriate to characterize in the same breath the extremist terrorist attack in Davao City also as an act of ‘narco-terrorism’, or worse, as having been funded by the political opposition – the first as advanced by the PNP chief, and the second by a well-known ideologue of the Duterte administration – without any verification or validation,” ani De Lima.

Walang kinalaman sa Martial Law

Binatikos naman ni Dela Rosa ang mga taong nagpapalutang sa Martial Law, kasunod ng Davao bombing.

“There are some people who are saying that this could be a prelude to Martial Law, we will not do that, so don’t be scared,” ani Dela Rosa.

“Nasasaktan na nga ang mga tao, we are still grieving, we are still in pain yet there are some who are insinuating Martial Law. Kawawa naman ‘yung taumbayan, lalong natatakot,” dagdag pa nito.

Ilang lungsod, target ng terorista

Ilang lungsod ang target ng terorista, base sa intelligence report na natanggap ng Pangulo bago ang Davao blast, ayon naman kay Presidential Communications assistant secretary Kris Ablan.

“The President may have talked to discuss with Chief Presidential Legal Counsel Panelo regarding the drafting but to insinuate that there was preparation for a proclamation specifically for this, that’s just a conspiracy theory,” pahayag nito. (Genalyn Kabiling, Aaron Recuenco, at Leonel Abasola)