COTABATO CITY – Ngayong hindi pa humuhupa ang pagkasindak ng bansa sa trahedya ng pambobomba sa Davao City nitong Biyernes, hinimok ng mga lokal na mamamahayag ang mga opisyal na Muslim sa bansa, partikular sa Mindanao, na manindigan laban sa terorismo at karahasan.
Ito ang ipinanawagan kahapon ng samahan ng media, pulisya at militar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, sinabing ang “disturbing silence” ng karamihan kung hindi man lahat ng halal na opisyal ng barangay, munisipyo at lalawigan sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (BaSulTa) laban sa Abu Sayyaf Group (ASG).
Kaugnay nito, sinabi ni Fr. Eliseo Mercado, Jr. na ang “all-out war against terrorists and fanatics like ASG can only be permanent and sustainable with the LGUs (at) province, municipal and barangay levels becoming the centres and heart of the operation.”
“The AFP and the PNP should lend their full military might to the LGUs to rid their jurisdiction with fanatics and terrorists…The LGUs as government structures in the local levels, simply do or perform their duties and deprive the ASGs with the community and support. The LGUs would also come up within the inventory of their constituents and the relatives and kin and kith of the ASG members or other fanatic groups,” saad sa post ni Fr. Mercado.
Maliban kay ARMM Gov. Mujiv Hataman, tubong Basilan na hayagang kinondena ang ASG bilang “biggest traitor of Islam”, sinabi ng local media at ng ARMM Police Office at 6th Infantry Division ng Philippine Army na “no elected local executives in BaSulTa have publicly criticized” ang pagdukot at pamumugot ng bandidong grupo.
Hinimok din ng mga mamamahayag ang mga opisyal ng pulisya at militar, gayundin si Pangulong Duterte, na mag-organisa ng pulong ng mga halal na opisyal ng mga lalawigang Moro, gaya ng BaSulTa, at himukin ang mga partisipante na lumagda sa isang deklarasyon na nagdedetalye kung paano mabubuwag ang ASG at iba pang grupong terorista. (Ali G. Macabalang)