Dulce copy

HALOS isang buwang ibinandila ni Bro. Jun Banaag ang guesting stint nina Dulce at Richard Merk sa kanyang Dr. Love Radio Show na dapat ay naganap last Friday, September 2.

Marami ang nag-abang sa mini-concert ng dalawang malalaking haligi sa larangan ng pag-awit. Exclusive na maituturing ang balik performance ni Richard na ang specialty ay jazz music lalo na’t first time na magdu-duet sila ni Dulce.

Pero nabigo ang marami dahil kahit isang nota ay walang narinig mula sa world-class na panauhin na on time na dumating sa programa ni Dr. Love sa DZMM. Gayunpaman, hindi umalis ang dalawa hanggang sa matapos ang programa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Isa itong malagim na gabi dala ng blasting na naganap sa night market sa Davao City at patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang grupo ng Abu Sayaf. Mas binigyan ng importansiya ang mga kaganapang nangyayari sa Davao via a live coverage.

Hindi pinairal ang kasabihang “the show must go on” at sa halip ay dasal at pakikiramay ang piniling ialay ni Dulce bago magwakas ang programa. Nangako ang dalawa na muli silang babalik para dulutan ng a little night of music ang listeners ng malaganap na palatuntunan sa DZMM ni Bro. Jun Banaag. (REMY UMEREZ)