Madagdagan pa ang bilang ng mga maipasasarang minahan sa bansa dahil sa paglabag sa mga patakaran sa kapaligiran ngayong linggo, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources kahapon.

Sinimulan ng Pilipinas, ang world’s top nickel ore supplier, ang pagsuri sa 40 metallic mines ng bansa noong Hulyo 8 at natapos nitong Agosto. Simula noon ay 10 na ang naipasarang minahan, walo rito ay nagmimina ng nickel ore. Ang pagpapasara at ang posibilidad na mas marami pang minahan ang masususpindi ang nagbunsod ng pagtaas ng presyo ng nickel sa mundo.

Tumanggi si DENR Secretary Regina Lopez na banggitin kung ilang minahan pa ang masususpindi ngunit sinabi sa Reuters na tiyak na marami pa.

“All the suspensions are absolutely due to environmental reasons, and my particular interest is the wellbeing of the community, that’s my benchmark,” ani Lopez sa kanyang mensahe sa text.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We have had mining in this country for over a hundred years. And until now we don’t even have one rehabilitated mine site, not one. Just gaping open holes, destroyed rivers, children with brain disease, so very sad,” dagdag niya.

Ang tinutukoy ni Lopez ay ang mga batang nagkasakit sa Marinduque bunga ng pagtagas ng minahan ng copper ng Canadian-owned Marcopper Mining Corp. noong 1996 na lumason sa mga ilog. (Reuters)