HONOLULU (AFP) – Malapit nang maubos ang lahi ng world’s largest gorillas resulta ng ilegal na pangangaso sa Democratic Republic of Congo, at ngayon ay critically endangered, sinabi ng mga opisyal noong Linggo.

Mayroon na lamang 5,000 Eastern gorillas (Gorilla beringei) ang nabubuhay sa mundo. Nanganganib na lubusang maglaho ang majestic species, sinabi ng mga opisyal sa International Union for Conservation of Nature’s global conference sa Honolulu.

Apat sa anim ng great apes ng mundo ay critically endangered na ngayon, “only one step away from going extinct,” kabilang na ang Eastern Gorilla, Western Gorilla, Bornean Orangutan at Sumatran Orangutan, sinabi ng IUCN sa update ng Red List, ang pinakakomprehensibong imbentaryo ng plant at animal species sa mundo. Inilista ng endangered ang mga chimpanzee at bonobo.

“Today is a sad day because the IUCN Red List shows we are wiping out some of our closest relatives,” sabi ni Inger Andersen, IUCN director general, sa mamamahayag.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina